(via be-beautiful-be-you)
'
- di lahat ng relasyon, pare pareho.
- di naman porket nasa relasyon eh parati nalang masaya,
- di naman parating may kilig.
- di lahat okay.
- di naman lahat puro ka sweetan at lambingan lang.
Ang relasyon, kelanman hindi yan magiging perpekto, hindi porket may lovelife o may karelasyon ka eh Okay at masaya na palage. Di ka naman nakipag relasyon dahil para kiligin at maging masaya ka lang diba? May times talagang masasaktan at masasaktan ka, may times na kelangan mo ren mag sakripisyo at mag pakatanga kung minsan.
Kung tao nga hindi perpekto eh, relasyon pa kaya? Pakiramdam na perpekto, pwedeng pwede pa, kase, kapag nasa relasyon ka, kapag nag mahal at minahal, yon, dun ka makakaramdam na perpekto, kahit pa anong standards o ugali meron ang partner mo, as long as minamahal mo siya, yun ang masasabe mong perpekto.
Ang relasyon, makakaya mong gawing perpekto yan, kapag nakakaya mong lumaban, at nakakaya mong panindigan ang masaktan at maunawaan kung anong meron ang partner mo, tipong, kahit masaktan kana at mapagod, hangga’t gusto mong maging ayos ang relasyon niyo, kakapit kapa ren, kase nga, sa piling niya, doon ka lang nakakaramdam na perpekto. Perpektong pakiramdam, ang malampasan ang isang problema na lalong nakakapag patatag sa relasyon niyo.
Hindi naman yan genie na kapag may hiniling ka eh maibibigay niya agad agad sayo, pero alam mo kung anong masarap sa pag mamahal? Na kahit gaano man hindi perpekto ang partner mo, o hindi man siya mayaman o kasing ganda/gwapo ng iba, lahat naman ng kaya niyang gawen mapasaya ka lang at masunod ka lang, uraurada, walang isip isip, gagawen niyan para sayo.
Kelangan lang naten minsan matutong makuntento, di lahat ng bagay na gusto naten, madali lang mapapasa aten, kelangan paghirapan, kelangan bigyan ng effort. Mag pasalamat ka nalang na, kahit ano mang ugali ang meron ka, kahit man minsan nakakaines, nakakaasar at nakakairita na ang ugali mo, di ka man ganon kaperpekto, may isa paring taong, handang umintindi at mahalin lahat ng pag kakamali mo.
Wag ka ren maiinggit sa iba, kung ang bf/gf nila ay MAS lamang, o mas naibibigay yung mga materyal na bagay sa kanila, eh aanhin mo naman yon? Kung ramdam at mas importante naman yung pag mamahal na pinapakita at pinaparamdam sayo nung tao, di lahat ng tao pare pareho, at lalong, walang perpekto, lalo na sa pag mamahal, di ka man perpekto, basta may taong handang mag mahal sayo, it doesn’t matter kung hanggang saan o ano lang ang kaya mong ibigay, as long as willing ka, at as long as napaparamdam at naibibigay mo naman sa kanya ang pag mamahal na deserve niya, malamang, wala na yang hahanapin pang iba.
Ang mahirap sa atin, kapag may away, imbis na pag usapan eh, lalo pang palalakihin, lalo pang palalalain. Na akala mo nag papataasan ng height ang mga pride, na halos parang mga batong nag uumpugan sa galit at kaasaran. Imbis na ayusin, eh lintek naman, lalo pang ginagawang big deal, kaya minsan, kahit napakaliit na bagay lang, eh nauuwe sa malaki, imbis na hindi nag kakasakitan, nauuwe sa bangayan.
- hindi ba pwedeng pag usapan nalang?
- hindi ba pwedeng lunukin muna ang pride kahit minsan? Mamamatay kaba?
- hindi ba pwedeng, maging mahinahon at mag isip muna bago mag salita?
- hindi ba pwedeng itigil muna ang bunganga at mag isip ng tama.
Madalas kase, kapag galit tayo, oO, talagang kung ano anong lumalabas sa mga bunganga naten, sa ayaw man naten o sa gusto, magugulat kana lang na nakakapag salita ka ng mga bagay na hindi mo maimagine na masasabe mo.
Pero, kung gusto niyo at willing talaga kayong mag kaayos, aba eh, mag sikilos kayo. anong mangyayare kung parehas kayong di gagawa ng paraan? anong mangyayare kung parehas kayong mag tataas ng kilay sa isa’t-isa na para bang mortal enemies lang ang peg? tingin niyo, magiging okay ba? makakatulong ba yan? Kaya nga may mga couple na naghihiwalay ng dahil lang sa maliit na dahilan eh, pano kase, imbis na ayusin, pinapalaki. Imbis na mag sorry, hiwalay ang iooption, kung di nga naman sira, mahal tapos makikipag hiwalay.
Kaya kung ayaw niyong mauwe lahat sa hiwalayan, kung ayaw niyong makitang hawak ng iba ang mga kamay niyang partners niyo, wake up! Gumawa ka ng paraan para maging ayos kayo, gumawa ka ng paraan para mapatawad o di kaya mabalik kayo sa dati, wag niyong gaweng malaki ang napakaliit na bagay. Wag na kayong humanap pa ng butas para lang lumala ang sitwasyon, mag usap kayo, mag kapaliwanagan, yung mahinahong paliwanagan, walang halong sigaw, walang halong pride at lalong walang halong galit.
Minsan, mas okay ng ikaw ang matalo, kesa naman, mawala yung taong mahal at mahalaga sayo. Dahil walang relasyon ang magtatagal kung puro nalang kayo bintangan at hinala.
(via foreverkinikiligsayo)